MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules na tinatayang P65 milyon ang narekober mula sa mga paaralan na nasita dahil sa mga iregularidad sa Senior High School Voucher Program (SHS-VP) claims para sa School Years (SY) 2021-2022 at 2022-2023.
Inihayag ng DepEd na nsa 54 paaralan tinanggal sa SHS-VP, may kabuuang 38 ang nakapagbalik ng buong halaga sa pamahalaan habang dalawa ang nagbigay ng partial refunds.
Samantala, 14 paaralan ang hindi pa nakakapagbalik ng pera, at mag-iisyu ng final demand letters will upang matiyak ang pagtalima.
Inihayag ng DepEd na kinakailangan ng masusing imbestigasyon upang matukoy kung “fraud” ang financial irregularities na ito.
“We are taking decisive steps to strengthen our validation processes, hold erring schools accountable, and restore public trust in the SHS Voucher Program,” pahayag ni Education Secretary Sonny Angara. RNT/SA