Home HOME BANNER STORY P68M shabu, baril nasamsam sa 3 nasawi sa Cubao shootout

P68M shabu, baril nasamsam sa 3 nasawi sa Cubao shootout

272
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang P68 milyong halaga ng shabu at tatlong baril mula sa tatlong drug suspects na napatay sa shootout ng pulisya sa Cubao, Quezon City nitong Martes, Nobyembre 18.

Ayon sa ulat, ang engkwentro ay naganap sa Barangay Socorro na resulta ng ilang buwang surveillance ng Philippine National Police Drug Enforcement Group. 

Bagamat nasawi ang tatlong suspek sa buy-bust operation, may isa pang nakatakas.

Sugatan naman sa barilan ang isang pulis at civilian informant.

“Yung mga suspect po is nasa target list po [sila]…nasa intelligence packet,” ayon kay PNP Drug Enforcement Group spokesperson Police Lt. Marlon Sy. 

“‘Yung background po nung isang napatay na suspect is suspended security guard po siya,” dagdag ni Sy.

Ang modus ng mga suspek ay utuin at patayin ang kanilang mga biktima, ngunit hindi pala nila alam na mga pulis ang ka-transaksyon ng mga ito nang panahong iyon.

“Ngayon gagawa na sila ng plan para bakit makukuha ko na po yung drug item, at the same time meron po akong, ‘yung pera po makukuha po nila kung napapatay nila ‘yung mga ka-transaksyon nila,” ani Sy.

Kasabay nito, nanindigan ang PNP na ang kanilang anti-illegal drug operations ay nananatiling “bloodless” bagamat ang kaligtasan ng mga operatiba ang kanilang prayoridad.

“Nanatili po tayong bloodless ang atin pong operations sa drugs. Pero kapag in danger naman po ang buhay, security ng ating mga miyembro, hindi naman natin hahayaan na mamatay ang ating kapulisan sa pagtupad ng kanilang tungkulin,” ayon kay Police Brigadier General Randulf Tuaño. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here