Home METRO P7.2M marijuana binunot, sinunog sa Mt. Province

P7.2M marijuana binunot, sinunog sa Mt. Province

3
0

KALINGA – Nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P7,200,000.00 ang mga fully grown na  marijuana plants na pinagbubunot at sinunog ng mga awtoridad mula sa nadiskubre nilang taniman ng marijuana sa border ng Mountain Province at  Kalinga nitong Lunes, Setyembre 14.

Base sa inilabas na press release ng PDEA-CAR, nagsasagawa ang mga awtoridad ng marijuana eradication operation nang madiskubre nila ang ang humigit-kumulang sa 6,000 square meters na taniman ng marijuana sa boundary ng Saclit, Sandanga, Mountain Province at Tinglayan,Kalinga.

Nasa 36,000 na fully grown marijuana plants ang pinagbubunot at sinunog ng mga awtoridad.

Ang operating team ay binubuo ng mga personnel ng Philippine Drug Enforce Agency (PDEA) Cordillera-Mountain Province Provincial Office, Sadanga Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit (PIO-MPPPO), Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU-MPPPO) at 2nd Provincial Mobile Force Company (2nd PMFC)

Walang naaresto ang mga awtoridad na  marijuana cultivator mula sa nadiskubreng taniman ng marijuana. ROLANDO S. GAMOSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here