Home METRO P7.4M marijuana sinunog sa Kalinga

P7.4M marijuana sinunog sa Kalinga

LA TRINIDAD, Benguet- Winasak ang marijuana na nagkakahalaga ng P7.4 milyon sa eradication operation sa Kalinga noong Hunyo 29.

Nadiskubre ng mga pulis ang 22,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P4.4 milyon sa Barangay Butbut Proper at panibagong 15,000 FGMJP na nagkakahalaga ng P3 milyon sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Agad sinunog ang marijuana sa tatlong plantasyon na may total estimated land area na 2,400-square meters.

Dinala naman ang sample nito sa Regional Forensic Unit ng Police Regional Office-Cordillera. RNT/SA