Home METRO P7-M tobats nasamsam sa bigtime tulak sa CamSur

P7-M tobats nasamsam sa bigtime tulak sa CamSur

250
0

MANILA, Philippines – Naaresto ng pulisya sa Camarines Sur ang isang bigtime tulak sa isang buy-bust operation sa Barangay Irayang Sulong, Minalabac nitong Martes ng madaling araw.

Nakuha sa suspek na si alyas Ric, 41, ang 21 plastic sachets ng shabu na may kabuuang timbang na 1,050 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng PHP7.14 milyon. Naaresto siya matapos magbenta sa isang poseur buyer.

Kasama sa operasyon ang PRO-5 RPDEU, Minalabac MPS, provincial intelligence units, at iba pang PNP units.

Ang suspek at ebidensya ay dinala sa Minalabac MPS para sa kaukulang proseso. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here