Home NATIONWIDE P700M nasayang sa 28 araw ng sigalot sa Senado – Lacson

P700M nasayang sa 28 araw ng sigalot sa Senado – Lacson

3
0

MANILA, Philippines – Hindi bababa sa P700 milyon na pera ng taumbayan ang nasayang sa loob ng 28 araw na “pinamunuan” ni ex-Senate President Alan Peter Cayetano ang Senado, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Huwebes.

Ani Lacson, kabilang sa mga pinakamadilim na pangyayari sa naturang panahon ang pamamaril sa loob ng Senado dalawang araw matapos maging Senate President si Cayetano, at ang pagtakas ni Sen. Ronald dela Rosa habang nasa ilalim ng “protective custody” ng Senado.

Nasaksihan din sa loob ng 28 araw ang pag-boycott sa mga sesyon ng ngayo’y minority bloc na pinamumunuan ni Cayetano; gayundin ang nabigong tangkang destabilisasyon at bogus na pagdinig ng komite – kabilang ang isang pagdinig na ni isang senador ay walang dumalo.

“THE PHILIPPINE SENATE in 28 days under Alan Peter Cayetano: Estimated Cost – P700M. Output – chaos, gunfire, Bato’s escape despite ICC-issued warrant while under its ‘protective custody,’ session boycott, failed destabilization attempt, unauthorized committee hearings highlighted by one not presided nor attended by a single senator. WHAT A WASTE OF TAXPAYERS’ MONEY!” aniya sa X

Nauna nang sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na gumagastos ang Senado ng humigit-kumulang P25 milyon kada araw kapag natitigil ang mga sesyon at walang nagagawang plenary work.

Sa kabila nito, nagpahayag si Lacson ng pag-asa na sa bagong simula na dulot ng pagkakahalal kay Gatchalian bilang Senate President, gayundin ng iba pang opisyal ng Senado at mga tagapangulo ng komite sa isinagawang special session noong Miyerkules, tuluyan nang makababalik sa trabaho ang Senado.

“This is a fresh start. And I hope everybody will cooperate, including the members of the minority,” aniya.

Sa panayam sa DZBB radio, iginiit ni Lacson na umaasa siyang maranasan ng Senado ang “calm after the storm.”

“Hopefully ang calm after the storm nandiyan na,” aniya, sabay banggit na maraming nagawa sa special session noong Miyerkules kabilang ang pagkumpirma sa 85 foreign service officers at limang five AFP officers na apektado ng sigalot sa Senado.

“Tapos nakapag-organize ng committees,” dagdag niya.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here