Home HOME BANNER STORY P70M marijuana nasabat sa Clark; 3 Tsino, arestado

P70M marijuana nasabat sa Clark; 3 Tsino, arestado

153
0

MANILA, Philippines – INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang tatlong Chinese national matapos masabat ang tinatayang ₱69.7 milyong halaga ng marijuana sa Clark International Airport.

Nabatid ng BOC na isinagawa ang operasyon katuwang ang Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs, kung saan nadiskubre ang kontrabando sa mga hand-carry bag ng mga suspek na galing sa Bangkok at nakatakdang sumakay ng flight patungong Hong Kong.

Nadiskubre ang droga matapos isailalim sa routine passenger profiling at X-ray screening ang mga suspek. Dahil sa kahina-hinalang imahe sa scanner, isinagawa ang masusing 100% physical inspection sa kanilang mga bagahe.

Dito natagpuan ang 99 vacuum-sealed plastic pack na naglalaman ng tuyong dahon at fruiting tops ng hinihinalang marijuana o “kush.”

Tumitimbang ang mga nakumpiskang droga ng humigit-kumulang 15,470 gramo at may tinatayang halaga na ₱69,799,950 batay sa standard drug price.

Kinumpirma rin ng K9 units ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ilegal na droga ang laman ng mga pakete.

Agad namang inaresto ang tatlong dayuhan at sinampahan ng kaso dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165.

JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here