Home METRO P742K kush, marijuana vapes nakumpiska sa buy-bust

P742K kush, marijuana vapes nakumpiska sa buy-bust

181
0

MANILA, Philippines- Nasamsam ng mga pulis ang kabuuang P742,000 halaga ng kush at  marijuana vapes mula sa tatlong indibidwal sa isang buy-bust operation sa Barangay Bangkal, Makati City nitong Biyernes.

Kinilala ang mga suspek na sina “Jeron,” 24; “Bobby,” 59; at “Kikay,” 24.

Batay sa police report, nagsagawa ang Makati City Police Station Drug Enforcement Unit ng buy-bust operation laban sa tatlo.

Nakumpiska mula sa kanila ang P574,000 halaga ng kush at P168,000 halaga ng disposable vapes na naglalaman ng marijuana/cannabis oil.

Narekober din ng mga pulis ang iba pang drug paraphernalia, electronic devices, at ang P50,000 buy-bust money.

Itinurn-over ang mga ebidensya sa Southern Police District (SPD) Forensic Unit para sa chemical analysis habang kasalukuyang nasa kustodiya ng Makati City Police Station ang mga suspek. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here