MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Senate Committee on Finance ang panukalang P8.5 bilyong badyet ng Department of Migrant Workers (DMW) sa fiscal year 2025.
Sa ginanap na budget hearing na pinamunuan ni Senador Joel Villanueva, sinabi ng DMW na naglaan ang ahensYa ng P8.5 bilyong badyet sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program.
Nakitang mas mababa ng 16 porsiyento ang badyet kumpara sa 2024 budget na P10.13 bilyon at naglaan ng P5.1 bilyon para sa Office of the Secretary at P3.4 bilyon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
“The budget will] sustain our efforts in strengthening protection of migrant workers’ rights, promoting their welfare and enhancing their capacities for economic self-reliance and quality of life for their families,” ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac.
Ayon sa DMW, sa 2025 budget para sa Office of the Secretary, na mas mababa ng 21% o P1.355 billion sa 2024 budget, na gagamitin ng Overseas Employment and Welfare Program, Overseas Employment Regulatory Program, Labor Migration Policy and International Cooperation Program, at Maritime Research and Skills Competency Program.
Umabot sa P319.176 million ang inilaan sa regional DMW operations, na nagkaroon ng 134% increase sa badyet habang makakakuha naman ang international migrant workers offices (MWO) ng P387.322 million para sa regular operations at P580.594 million sa verification funds.
Inihayag din ng DMW ang plano sa pagtatayo ng bagong migrant workers office (MWOs) sa mga sumusunod na lugar:
- Abuja, Nigeria
- Bern, Switzerland
- Pretoria, South Africa
- Ankara, Turkey
- Oslo, Norway
- Warsaw, Poland