Home NATIONWIDE PAGCOR exec nag-sorry sa paratang vs ex-PNP chief na ‘nagpatakas’ kay Alice...

PAGCOR exec nag-sorry sa paratang vs ex-PNP chief na ‘nagpatakas’ kay Alice Guo

MANILA, Philippines- Tuluyan nang binaligtad ni PAGCOR senior vice president Raul Villanueva at humingi ng paumanhin sa paratang na isang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ang tumulong sa grupo ni Guo Hua Ping, alyas Alice Guo sa pagtakas ng Pilipnas.

Isinagawa ni Villanueva, isang retiradong heneral at dating hepe ng communication electronic information service ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (CEISSAFP), ang paghingi ng paumanhin sa ginanap na pagdinig sa Senado kamakailan.

Naunang inilantad ni Villanueva sa nakaraang pagdinig ng Senado na nakatanggap sila ng unverified report na isang dating hepe ng pulisya ang sangkot sa pagtakas ni Guo at nagparatang na nasa listahan ng “monthly payroll” ng dating alkalde.

Sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng Senado hinggil sa illegal POGO, kinompronta ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa si Villanueva matapos basahin ng dating hepe ng PNP ang isang statement ng sinasabi nitong Council of Chiefs na samahan ng dating hepe ng pulisya na binabatikos ang opisyal ng PAGCOR sa “sweeping accusation.”

“I don’t want to put malice on our chief PNPs. I’m sorry kung ‘yan ang pagka-interpret ng mga chief PNPs natin but I hold them in respect because each of these chief PNP has their own legacy in the PNP institution,” wika niya.

Ipinaliwanag ni Villanueva na hindi beripikado ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa pagtakas ni Guo.

“As I have stated last Senate hearing, I considered it as rumor. In fact, I dismissed it as rumor because I don’t have any confirmation at all. I don’t have any verified data,” aniya.

“Therefore, it has no bearing at all yet because I don’t have any verified information or confirmation from other sources. That’s why I want to ask other people but I came up with nothing,” dagdag ng opisyal.

Sinabi pa ni Villanueva na kasama sa paghingi ng paumanhin ang kanyang public apology.

Ayon kay Dela Rosa, dapat magsilbing aral ang sitwasyon partikular sa isang opisyal na galing sa intelligence unti ng isang law enforcement agency.

“That’s why nag-react ‘yung mga retired na chief PNP because knowing you, you came from the intelligence service of the AFP and you know how we treat classified information,” ayon kay Dela Rosa, dating PNP chief.

“That incident should serve as a lesson to everyone na dapat let us be careful na magpalabas ng information na ganon dahil maraming matatamaan na hindi dapat matamaan sa unverified reports,” dagdag niya.

Pinasalamatan naman ni Dela Rosa ang paghingi ng paumanhin ni Villanueva.

“At least you are an officer and a gentleman enough to admit na somehow nagkamali ka in giving out that information. [On] behalf of the council of the retired chief PNPs, I would like to thank you for your demeanor. Indeed, you are an officer and a general,” ayon sa senador. Ernie Reyes