Home NATIONWIDE P8.68B inilabas sa salary upgrade ng higit 90K DepEd personnel

P8.68B inilabas sa salary upgrade ng higit 90K DepEd personnel

2
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paglalabas ng karagdagang P8.68 billion sa Department of Education (DepEd) para suportahan ang career advancement at mas mataas na sahod ng mga public school personnel sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) System ng departamento.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang pagpopondo ay bahagi ng pagsisikap ng Pangulo na kilalanin ang karanasan, kakayahan at professional development ng mga tauhan ng education sector.

“Ang hakbang na ito ng Pangulo para sa sektor ng edukasyon ay patunay lamang sa seryosong hangarin ng Pangulo sa pagyabong ng kaalaman ng mga batang Pilipino,” ayon kay Castro

Ang karagdagang pondo ay suporta sa nagpapatuloy na implementasyon ng ECP, kabilang na ang requirements para sa fiscal years 2025 at 2026 para sa mga tuhan na naisyuhan ng Notices of Organization, Staffing, and Compensation Action (NOSCA) at appointments.

Ani Castro, mahigit 93,344 public school personnel sa buong bansa ang saklaw ng pagpopondo.

Ang ECP ay naglalayon na bigyan ang mga guro ng pagkakataon para sa career advancement at mas mataas na sahod.

Layon ng programa na makaya ng mga guro na umasenso nang propesyonal habang patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang guro.

Sa ilalim ng direktiba ng DBM, “its regional offices will process the funding for distribution to DepEd regional offices.

The arrangement is intended to speed up the release of funds needed for the implementation of the ECP.”

“For fiscal year 2027, the government has proposed P12.9 billion for the ECP,” ayon kay Castro.

Ang panukalang alokasyon ay naglalayon na suportahan ang nagpapatuloy na implementasyon ng career progression system para sa education personnel.

Samantala, sinabi ni Castro na ang panukalang halaga ay P5.94 billion, o 96.6%, mas mataas kaysa sa fiscal year 2026 funding. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here