Home NATIONWIDE P8.8M illegal na droga sa unclaimed parcels naharang ng BOC

P8.8M illegal na droga sa unclaimed parcels naharang ng BOC

286
0

MANILA, Philippines – Naharang ang tatlong unclaimed parcels na naglalaman ng hinihinalang illegal na droga na nagkakahalaga ng P8.8 milyon sa isang warehouse sa Pasay City.

Ang mga parcel na orihinal na idineklara bilang electronic equipment at garments, ay naharang sa X-ray screening noong Setyembre 25 at isinailalim sa pagsusuri ng K-9, ayon sa report ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno nitong weekend.

Sa pamamagitan ng masusing physical inspection ay nadiskubre ang isang parcel na naglalaman ng 992 gramo ng shabu, habang ang dalawa iba pa ay naglalaman ng 1,396 gramo ng high-grade marijuana (kush), lahat ay tinatayang nagkakahalaga ng P8.8 milyon.

Pinuri naman ni Nepomuceno ang pagiging alerto ng BOC – Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nakipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group

“The Bureau of Customs is determined to uncover and stop every attempt by drug traffickers to sneak illegal substances into our country. We remain steadfast in protecting our borders and shielding our communities from the harms of illegal drugs,” aniya.

Ang mga nasamsam na illegal na droga ay nasa kustodiya na ng BOC-NAIA, at isasailalim sa confirmatory laboratory testing at imbestigasyon.

Posibleng maharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) ang nasa likod nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here