Home NATIONWIDE Benguet, Mt. Province nakatanggap ng fuel aid para sa road clearing, relief...

Benguet, Mt. Province nakatanggap ng fuel aid para sa road clearing, relief ops

304
0

MANILA, Philippines — Nakatanggap ng suplay ng gasolina ang mga lokal na disaster risk reduction and management (DRRM) offices sa limang bayan ng Benguet at dalawang munisipalidad sa Mountain Province upang masuportahan ang road clearing at relief operations matapos ang pananalasa ng mga bagyo.

Kabilang sa mga nabigyan ang Bakun, Sablan, Tuba, Itogon at La Trinidad sa Benguet, gayundin ang Sabangan at Bauko sa Mountain Province.

Bahagi sila ng 6,100 litro ng gasolina na donasyon ng Aboitiz Renewables, isang subsidiary ng Aboitiz Power.

Gagamitin ang fuel aid para paandarin ang mga heavy equipment na ginagamit sa pag-alis ng debris at muling pagbubukas ng mga daan.

“This fuel distribution will go a long way in helping our local disaster risk reduction and management offices sustain their operations,” ani Aboitiz Renewables first vice president at general manager for hydro operations Noreen Vicencio sa isang pahayag nitong weekend.

Ayon kay Sablan DRRM officer Darryl Padsico, malaking tulong ito sa pagpapatuloy ng ligtas na pagdadala ng mga goods, serbisyong pang-emerhensiya at ayuda sa mga apektadong pamilya.

Nauna nang inatasan ni Governor Melchor Diclas ang mga DRRM office, katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), na regular na mag-assess ng road conditions at hazards, lalo na matapos ang ilang landslide sa kasagsagan ng Super Typhoon Nando na lumabas sa Philippine Area of Responsibility noong Setyembre 23. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here