Home NATIONWIDE Pagsisiguro sa kaligtasan ng mga tauhan ng LTO, ipinag-utos kasunod ng bagyo

Pagsisiguro sa kaligtasan ng mga tauhan ng LTO, ipinag-utos kasunod ng bagyo

324
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO), sa patnubay ni Acting Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Z. Lopez, ang lahat ng Regional Directors nito na magsumite ng damage assessment report para matukoy ang lawak ng epekto ng bagyong “Opong” sa operational capability ng ahensya, lalo na sa mga apektadong lugar.

Kasabay nito, sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II inatasan nito ang mga RD na suriin ang kalagayan ng lahat ng tauhan ng LTO at kanilang pamilya at isama sila sa ulat para sa mga layunin ng tulong.

“Matindi ang epekto ng bagyong Opong lalong lalo na sa Bicol, Visayas at ilang bahagi ng southern Luzon. Gusto nating malaman ang lawak ng pinsala sa ating mga opisina sa mga apektadong lugar upang makagawa tayo ng mabilis na aksyon upang ipagpatuloy ang serbisyo natin sa ating mga kababayan,” ani Asec Mendoza.

Kaugnay nito nangako si Asec Mendoza na agarang kumilos upang matiyak na ang lahat ng opisina ng LTO sa mga lalawigan ay magiging operational sa lalong madaling panahon.

Mahigit 380,000 indibidwal ang inilikas dahil sa pananalasa na dala ni Opong.

Ang lalawigan ng Masbate ang tinaguriang pinakamatinding tinamaan habang apektado rin ang ilang lugar sa Region 8, Region 4-A at Region 4-B.

Sinabi ni Asec Mendoza na nais niyang palaging suriin ang kalagayan ng lahat ng tauhan ng LTO sa Masbate at iba pang apektadong lugar.

“We in the LTO are family. Tayo tayo ay dapat unang magkaisa at tumugon sa lahat ng ating kasamahan sa LTO na naapektuhan ng bagyong ito” sabi ni Asec Mendoza.

Aniya, agad na ipapaabot ang tulong sa mga apektadong tauhan ng LTO. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here