Home NATIONWIDE P8.91M pinatuyong marijuana naharang sa mga parcel sa Pasay

P8.91M pinatuyong marijuana naharang sa mga parcel sa Pasay

138
0

MANILA, Philippines – Naharang ng mga awtoridad ang nasa P8.91 milyong halaga ng pinatuyong marijuana sa 20 abandonadong inbound parcel sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City, ayon sa Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEG) nitong Martes, Pebrero 3.

Nadiskubre ang mga illegal na droga nitong Lunes sa pamamagitan ng isang cargo X-ray screening ng Bureau of Customs, matapos magsagawa ng manual inspection ang mga awtoridad. Isinailalim din ang mga parcel sa K9 paneling ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nasa kabuuang 5,940 gramo ng hinihinalang marijuana kush ang nakuha sa mga parcel.

“The parcels were consigned to recipients in different parts of the country, including Luzon, Visayas, and Mindanao, particularly in Biñan, Laguna, Cebu, and Davao, and traced to foreign shippers from the United States and Thailand,” ayon sa AVSEG.

Itinurn-over na sa PDEA National Office ang mga illegal na droga para sa tamang disposisyon at imbestigasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here