Home NATIONWIDE Pagka-blacklist ng higit 60 contractors ‘di makaaapekto sa infra projects

Pagka-blacklist ng higit 60 contractors ‘di makaaapekto sa infra projects

145
0

MANILA, Philippines – Hindi umano makakaapekto sa pagpapatuloy ng mga kasalukuyang proyekto ng imprastraktura ang mahigit 60 kontraktor na inaasahang ma-blacklist dahil marami pang kompanya ang maayos ang performance.

Ang pagba-blacklist ay kasabay ng proseso ng pagbawi sa mga lisensya ng mga kontraktor na sangkot sa mga anomalya sa flood control projects.

Sa kasalukuyan, may 16 na kasalukyang proseso para sa pag-blacklist ng mga kontraktor na sangkot sa mga anomalya sa imprastraktura, at apat sa kanila ang nabawi na ang lisensya, ayon sa Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB).

Naniniwala ang Pangulo, na ang hakbang na ito ay magbibigay-daan sa matapat at may kakayahang kontraktor na mabayaran nang tama at agad.

Nitong Lunes, Pebrero 2, inatasan ni Marcos ang mga ahensya ng gobyerno na agad bayaran ang mga kontraktor na nakatapos ng mga proyekto sa ilalim ng kanilang kontrata.

Layon nito na buhayin ang industriya ng imprastraktura. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here