Home METRO P80.9M droga nasamsam, 27 durugista nadakip sa CAR nitong Nobyembre

P80.9M droga nasamsam, 27 durugista nadakip sa CAR nitong Nobyembre

109
0

CAMP DANGWA, Benguet – Nasamsam ng Police Regional Office-Cordillera Administrative Region ang shabu at marijuana na nagkakahalaga ng P80.9 milyon at naaresto ang 27 hinihinalang tulak ng droga sa 89 na anti-illegal drug operations na isinagawa mula Nobyembre 1 hanggang 30.

Sinabi ni Police Brig. Gen. David Peredo Jr. na nagsagawa sila ng 62 marijuana eradication campaigns, siyam na buy-bust operations, apat na search warrant operations, nagsilbi ng walong warrant of arrest, at humawak ng anim na tugon ng pulisya.

Narekober ang 88.59 gramo ng hinihinalang shabu, 248,280 fully grown marijuana plants, 39,300 marijuana seedlings, 242,000 grams ng tuyong dahon ng marijuana at fruiting tops, at 180 mililitro ng marijuana oil.

Labing-pitong suspek ang itinuring na high-value na indibidwal at 10 ay street-level na indibidwal.

Nakumpiska ng Benguet Police Provincial Office ang iligal na droga na nagkakahalaga ng P51,909,708; Kalinga PPO, P19,782,160, at Mountain Province PPO, P9 milyon.

Sinabi ni Peredo na ang mga tagumpay na ito ay nagpapakita ng kanilang matatag na dedikasyon sa pagpuksa sa ilegal na droga at pangangalaga sa komunidad sa rehiyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here