Home METRO P800K cash ng courier company, nilimas ng 4 armadong magnanakaw sa Quezon

P800K cash ng courier company, nilimas ng 4 armadong magnanakaw sa Quezon

MANILA, Philippines – Tinangay ng apat na armadong magnanakaw ang isang branch ng courier service provider sa Calauag, Quezon ang aabot sa P800,000 halaga ng cash.

Ayon sa Quezon police nitong Miyerkules, Enero 3, pumasok sa establisyimento sa Maharlika Highway sa Barangay Sta. Maria bandang alas-8 ng gabi, ang apat na hindi pa tukoy na kalalakihan na nakasuot ng face masks at armado ng mga baril.

Tinutukan ng baril ng mga suspek ang nag-iisang security guard na kumakain ng hapunan, saka inagaw ang service handgun nito.

Iginapos naman ng mga magnanakaw ang limang empleyado, saka ninakaw ang cash na nagkakahalaga ng P800,000 at tatlong cellphone na pag-aari ng mga biktima.

Tumakas ang mga magnanakaw sakay ng kanilang getaway car.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga magnanakaw sa pamamagitan ng security camera sa lugar. RNT/JGC

Previous articleNo. 2 sa OCTA senatorial survey: ‘Di ko sasayangin ang inyong pagtitiwala – Bong Go
Next articleSeismic activity sa Bulusan, tumaas