MANILA, Philippines – Sa kampanya kontra droga ng administrasyong Marcos, nakakuha na ng PHP87.19 bilyong halaga ng narcotics mula noong Hulyo 2022, iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Huwebes.
Kasama sa halaga ang 11,680.81 kilo ng shabu; 100.57 kg. ng cocaine; 144,927 kg. ng ecstasy tablets at 7,767.16 kg. ng mga tuyong dahon ng marijuana at mga brick na nasamsam mula Hulyo 2022 hanggang Agosto ngayong taon.
Sinabi rin ng PDEA na nagsagawa sila ng 120,787 operasyon sa buong bansa sa panahong ito na nagresulta sa pagkakaaresto ng 162,597 drug suspects, 10,342 dito ay high-value target.
“This is not just a tally of arrests and seizures, it is a testament to our unwavering commitment to dismantle the drug menace at every level,” saad ni PDEA Director General, Undersecretary Isagani Nerez.
May kabuuang 1,582 drug den at tatlong clandestine shabu laboratories ang na-dismantle sa parehong panahon.
Samantala, 29,633 sa 42,000 barangay ang idineklarang “drug-cleared,” habang 6,193 barangay ang idineklara na drug-free.
Sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo, nangako si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mananatiling walang humpay ang gobyerno sa paglaban nito sa kalakalan ng ilegal na droga sa bansa. RNT/MND