Home METRO P8M ari-arian naabo sa sunog sa Iloilo City

P8M ari-arian naabo sa sunog sa Iloilo City

MANILA, Philippines- Nasunog ang dalawang gusali sa Iloilo City nitong Biyernes, na nag-iwan ng tinatayang halos P8 milyong pinsala, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Sabado.

Apektado sa sunog ang mga istraktura sa Chinatown sa Iznart Street, Barangay Magsaysay, saklaw ang area na mahigit 1,000 square meters, batay sa ulat.

Sinabi ng BFP na nagsimula ang siyam na oras na sunog ng lampas alas-11 ng gabi nitong Biyernes at naapula ng alas-8:25 ng umaga nitong Sabado.

Inatasan na ni Iloilo City Mayor Jerry TreƱas ang Office of the Building Official na makipagtulungan sa BFP upang matukoy ang mitsa ng sunog at agad na magsagawa ng inspeksyon sa electrical connections sa lahat ng heritage buildings sa lugar.

”These are the jewels of Iloilo City, which are part of our heritage,” wika niya. RNT/SA

Previous article‘Pagpanaw’ ni Zulueta pinaiimbestigahan ni Remulla
Next articleShowtime, tablado kay Bitoy!