Home ENTERTAINMENT Showtime, tablado kay Bitoy!

Showtime, tablado kay Bitoy!

Manila, Philippines – Lalong iigting ang kompetisyon sa TV sa balitang back-to-back simula April ng Eat Bulaga at Wowowin sa TV5.

Totoo nga ba ang aming nasagap na “magtutulungan” ang EB at programa ni Willie Revillame na yanigin ang programming ng GMA lalo’t ang ipinalit sa Tahanang Pinakamasaya ay It’s Showtime?

Tingnan n’yo nga naman kung paano maglaro ang tadhana.

Dati nang pitted against each other ang EB noong nasa GMA pa ito at ang Showtime.

Naiba lang ng channel, but the raging competition continues.

With EB on TV5, balitang GMA will stop at nothing to pounce on the TVJ show no matter the cost.

Balita ngang binalak ng Showtime na kuning host si Michael V.

Kukuha rin lang ang Showtime ng additional talent, it might as well be a Kapuso.

Pero hindi raw nagtagumpay ang planong ‘yon reportedly hatched by GMA.

Consistent daw kasi si Bitoy sa pagsasabing bukod sa he has so much on his plate (he has Bubble Gang and Pepito Manaloto) ay malaki raw ang utang na loob niya sa Eat Bulaga.

Nagsilbi nga namang host si Michael V ng EB for many years.

Sa pagpasok ng Wowowin sa April, magkakaalaman na kung maigugupo ng kanilang pinagsanib na puwersa with EB ang noontime at afternoon block ng GMA.

Abangan! Ronnie Carrasco III

Previous articleP8M ari-arian naabo sa sunog sa Iloilo City
Next articleWalang naka-jackpot sa March 16 major lotto draws –  PCSO