Home NATIONWIDE Walang naka-jackpot sa March 16 major lotto draws –  PCSO  

Walang naka-jackpot sa March 16 major lotto draws –  PCSO  

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado, Marso 16, na walang nanalo ng jackpot prizes sa Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 draws.

Walang nakahula ng Grand Lotto winning digit combination: 26-01-10-35-12-18 na may premyong P136.6 milyon.

Isinasagawa ang Grand Lotto draw tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado.

Gayundin, walang mananayang nakahula ng winning digit combination para sa Lotto 6/42 draw 30-15-22-31-17-28 na may jackpot prize of P9.7 milyon.

Gumugulong naman ang Lotto 6/42 draws tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. RNT/SA

Previous articleShowtime, tablado kay Bitoy!
Next articleMarijuana oil ginagamit sa vape!