Home NATIONWIDE Oil price rollback sa susunod na linggo, asahan

Oil price rollback sa susunod na linggo, asahan

MANILA, Philippines – Good news sa mga motorista!

Inaasahan ang bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Nitong Biyernes, Mayo 10, sinabi ni Director III Rodela Romero ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), na posible ang P2.00 hanggang P2.25 na bawas sa kada litro ng gasolina sa susunod na linggo batay sa apat na araw na oil trading.

Samantala, nasa P0.50 hanggang P0.85 kada litro naman ang bawas sa presyo ng diesel, at P0.90 hanggang P1.00 sa kada litro ng kerosene.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo ng bawas sa presyo ng gasolina, at ikaapat na sunod na linggo naman sa diesel at kerosene.

Karaniwang inaanunsyo ang oil adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad tuwing Martes. RNT/JGC