MANILA, Philippines – Lumago ang bank lending ng universal at commercial banks (U/KBs), at domestic liquidity noong Marso.
Sa preliminary data na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas nitong Huwebes, Mayo 9, lumabas na ang outstanding loans ng universal at commercial banks, hindi kabilang ang reverse repurchase (RRP) facility ng BSP, ay tumaas ng 9.4 percent noong Marso mula sa 8.6 percent noong Pebrero.
Ang outstanding loans na inisyu ng U/KBs ay nagkakahalaga ng P11.7 trilyon noong Marso mula sa P10.7 trilyon sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Mataas din ito mula sa P11.6 trilyon noong Pebrero.
Sinabi ng BSP na ang outstanding loans sa residents, net of RRPs, ay tumaas ng 9.5 percent noong Marso mula sa 8.7 percent sa nagdaang buwan, habang ang outstanding loans to non-residents ay tumaas ng 9.1 percent noong Marso matapos ang 6.5 percent noong Pebrero.
Tumaas din ang Loans for production activities ng 7.7 percent mula sa 6.8 percent noong Pebrero.
Itinuturo ng BSP na ang pagtaas ay dahil sa paglago rin ng loans sa major sectors, partikular na sa real estate activities (11.5 percent); electricity, gas, steam, at air-conditioning supply (10.1 percent); wholesale at retail trade, at repair ng motor vehicles at motorcycles (6.6 percent); construction (18.3 percent); manufacturing (4.9 percent); at transportation and storage (14.3 percent).
“Similarly, consumer loans to residents went up by 25.4 percent in March from a growth rate of 25.2 percent in February, driven by the increase in credit card, motor vehicle, and salary-based general purpose consumption loans,” sinabi ng BSP.
Samantala, ang domestic liquidity (M3) ay lumago rin ng 5.7 percent sa P17.2 trillion noong Marso mula sa 5.1 percent noong Pebrero.
Tumaas din ng 10.9 percent mula sa 10.3 percent noong Pebrero ang claims sa pribadong sektor kasama ang sustained expansion sa bank lending sa non-financial private corporations at households.
Lumaki rin ang net claims ng central government ng 15 percent mula sa 12 percent dahil sa pagbaba sa deposits ng national government sa BSP.
Tumaas naman ng 5 percent mula sa 3.6 percent noong Pebrero ang Net foreign assets (NFA) in peso terms.
Ayon sa BSP, ang NFA nito ay lumago ng 6.2 percent habang ang NFA ng mga banko ay lumago mula sa account of higher bills payable.
“The BSP will continue to ensure that domestic liquidity conditions remain consistent with the prevailing stance of monetary policy, in keeping with its price and financial stability objectives,” sinabi pa ng BSP. RNT/JGC