Home NATIONWIDE P928-B inihirit ng DepEd sa 2026 budget

P928-B inihirit ng DepEd sa 2026 budget

276
0

MANILA, Philippines – Humihiling ang Department of Education (DepEd) ng ₱928.52 bilyon sa panukalang 2026 national budget—katumbas ng 4% ng GDP—para pondohan ang mga silid-aralan, feeding program, digital access, at suporta para sa mga guro.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara sa Senado, layunin ng budget na “gawing sulit ang bawat piso” para sa mga guro at mag-aaral.

Sa kabuuan, ₱56.4 bilyon ang nakalaan sa imprastraktura ng paaralan tulad ng bagong classrooms, rehabilitasyon, elektripikasyon, at matitibay na pasilidad. ₱50.6 bilyon naman ang para sa School-Based Feeding Program na magdadagdag ng feeding days at tutugon sa malnourished pupils at adolescent mothers.

Para mabawasan ang digital divide, ₱16 bilyon ang ilalaan sa 243,000 laptops at internet connectivity para sa mga paaralang wala pang access. May ₱6 bilyon ding pondo para sa career progression ng mahigit 113,000 guro at school heads.

Giit ni Angara, ang edukasyon ay “pangmatagalang laban” na nangangailangan ng tuloy-tuloy na suporta. May nakahandang ₱33.6 bilyong “wishlist” ang DepEd para sa dagdag feeding days, disaster preparedness, at modernisasyon kung papayagan ng pondo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here