Home NATIONWIDE P94-M tobats nasamsam, 673 suspek nasukol sa 20 araw sa NCR

P94-M tobats nasamsam, 673 suspek nasukol sa 20 araw sa NCR

182
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na umabot sa halos P94 milyon ang halaga ng nasamsam na ilegal na droga at 673 suspek ang naaresto sa Metro Manila mula Enero 1 hanggang 20.

Sa 518 anti-drug operations, nakumpiska ang 13,772 gramo ng shabu at 2,125 gramo ng tuyong dahon ng marijuana, na tinatayang nagkakahalaga ng P94,025,855.60, ayon sa NCRPO nitong Huwebes.

Sinabi ni NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin na ipinapakita ng resulta ang patuloy na pagpigil sa distribusyon ng droga sa mga komunidad.

Nagsagawa rin ang NCRPO ng 113 operasyon laban sa loose firearms, na nagresulta sa pag-aresto ng 115 indibidwal at pagkumpiska ng 114 na hindi rehistradong baril. Dagdag pa rito, 448 anti-illegal gambling operations ang nauwi sa pag-aresto ng 989 katao at pagkumpiska ng PHP223,197.75 na bet money.

Sa antas ng komunidad, naaresto ang 168,010 na lumabag sa ordinansa. Sa bilang na ito, 52,359 ang pinatawan ng multa, 871 ang kinasuhan, at 114,948 ang pinayagang umalis matapos bigyan ng warning, na nagresulta sa PHP48.03 milyon na kinita mula sa penalties.

Sinabi ni Aberin na ipinapakita ng mga unang resulta ang bisa ng Enhanced Managing Police Operations ng PNP sa ilalim ng Focused Agenda nito, at ang disiplina at dedikasyon ng mga personnel na nasa ground araw-araw. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here