MANILA, Philippines – Ibinahagi ng Department of Budget and Management(DBM)ang sampung nangungunang ahensya na nadagdagan ng kanilang panukalang pondo para sa Fiscal Year 2025.
Sa press conference, sinabi ni DBM secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman na ang top priority na nabigyan ng malaking alokasyon ay ang Department of Education (DepEd) na nasa P977.6 bilyon na binigyang diin ang pangako ng gobyerno na pagandahin ang kalidad at accessibility ng edukasyon para sa lahat ng Filipino.
Para naman sa development at maintenance ng imprastraktura na magpapadali sa paglago ng ekonomiya at pagpapabuti ng pagkakakonekta, makakatanggap naman ng malaking alokasyon ang Departmemnt of Public Works and Highways (DPWH) (P900-B).
Naglaan din ng P297.6 bilyon para sa Department of Health (DOH) upang maipagpatuloy ang implimentasyon ng Universal Health Car Act at masiguro ang naa-access at abot-kayang serbisyo sa kalusugan , pagpapalakas ng katatagan ng bansa laban sa mga hinaharap na krisis sa kalusugan at pagpapabuti ng pangkalahatang kagalingan.
Gayundin nilaanan din ang Department of Interior and Government (DILG) ng P278.4 bilyon alinsunod sa pagtutok ng administrasyon sa pagsuisulong ng inklusibong pag-unlad na umabot kahit sa pinakaliblib at hindi gaanong naabot na lugar.
Upang itaguyod ang pambansang seguridad, ang National Defense ay makakatanggap ng P256.1 bilyon para sa gawing makabago ang mga kakayahan sa pagtatanggol at masiguro ang kaligtasan at soberenya ng bansa.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay makakatnggap naman ng P230.1 bilyon kung saan nakasentro ang administrasyon sa misyon nito na protektahan ang mahihinang populasyon s apamamagitan ng ibat-ibang social protection programs.
Sa sektor ng agrikultura o Department of Agriculture (DA) , nilaanan ito ng DBM ng P211.3 bilyon upang matulongan ang mga mangingisda , gawing moderno ang agricultural practices at masiguro ang food security.
Para naman sa pagpapabuti at modernisasyon ng imprastraktura sa bansa, dinagdagan din ng P180.9 bilyon ang Department of Transportation (DOTr).
Binigyan din ng mataas na alokasyon ang Judiciary na nasa P63.6 bilyon para sa mahusay na paggana ng mga korte at iba pang mga judicial bodies na nagpapadali sa napapanahon at patas na paghatol ng mg kaso.
At ang Department of Justice (DOJ) ay makakatanggap nbaman ng P40.6 bilyon upang mapalakas ang prosecutorial services, pahusayin ang pangangasiwa ng hustisya at pagsulong ng ibat-ibang legal at correctional reforms.
Sinabi ni Pangandaman na ang proposed national budget at sumasalamin sa hindi natitinag na pangako na isulong ang mahusay na pamamahla at paggamit ng government resources.
“Sa pamamagitan ng budget na ito ,ipagpapatuloy po natin ang ating nasimulan upang lalo pa nating mai-alay ang ating taos-pusong serbisyo sa ating mga kababayan sa ilalim ng Bagong Pilipinas”, pahayag ng DBM secretary.
“Pagsikapan natin na paigtingin at palaguin pa lalo ang ating ekonomiya upang ating mabigyang- daan ang kaunlaran at mga pangarap ng ating mga kababayan”.
Ang proposed 2025 national budget ay nai-turn over na sa Kongreso, Lunes ng umaga. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)