Home NATIONWIDE PNR Naga-Legazpi nagdagdag ng byahe

PNR Naga-Legazpi nagdagdag ng byahe

MANILA, Philippines – Upang ma-accomodate ang mas maraming pasahero, nagdagdag ang Philippine National Railways (PNR) ng iskedyul sa pagitan ng Naga City, Camarines Sur at Legazpi City, Albay nitong Hulyo 24,2024.

Ang bagong iskedyul ng biyahe ay 10:00 ng umaga na nagbibigay ng isang maginhawang opsyon para sa mga manlalakbay na may hindi tiyak na mga iskedyul.

Nagsagawa rin ng pagsasaayos sa oras ng pag-alis ng unang biyahe mula sa Naga.

Ang unang tren ay aalis na ngayon mula sa Philippine National Railways (PNR) Naga Station sa ganap na 4:30 ng umaga at darating sa Legazpi Station sa bandang alas 7:34 ng umaga.

Ayon kay Jerald Casaol, Officer in Charge sa PNR Naga Station, ang pagsasaayos na ito ay bahagi ng paghahanda sa darating na school season.

May seating capacity ang tren na 400 pasahero kada biyahe , na aabot ng tatlong oras kada biyahe. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)