Home TOP STORIES P97M disallowance pinababalik ng COA sa ex-mayor

P97M disallowance pinababalik ng COA sa ex-mayor

475
0

MANILA, Philippines – Inutusan ng Commission on Audit (COA) ang isang dating alkalde ng Cavite na ibalik ang nasa P97 milyong disallowances.

Nabatid na ang hakbang ay bahagi ng pagpapatupad ng COA ng mahigpit na disiplina sa pananalapi sa lokal na pamamahala.

Sinabi sa ulat na ang Notice of Disallowance (NDs) na inisyu ng Komisyon laban kay dating Silang, Cavite Mayor Kevin Anarna ay umabot na sa kabuuang ₱97 milyon para sa mga transaksyong ginawa noong Calendar Year 2023.

Ayon sa ulat ang pinakahuling mga inilabas ay noong Setyembre 3, 2025, na nagkakahalaga ng ₱9,639,628.20 at ₱1,834,056.32.

Ayon sa COA, ang mga disallowance ay nag-ugat sa hindi regular, hindi awtorisado, at hindi sapat na dokumentado na mga gastos sa ilalim ng nakaraang administrasyon sa Silang.

Bilang resulta, ang mga responsableng opisyal ay inaatasan na ibalik ang mga pampublikong pondo na ginastos sa paglabag sa mga regulasyon ng pamahalaan.

Sa ilalim ng umiiral na mga panuntunan, ang lahat ng responsableng opisyal at tauhan ay kinakailangang ibalik ang mga hindi pinapayagang pondo.

Binigyang-diin ng COA ang kahalagahan ng mahigpit na pagbabantay upang matiyak na ang pondo ng publiko ay ginagamit nang maayos at makabuluhan. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here