Home OPINION PAANO NILALABANAN NG EMERGENCY MEDICINE ANG TRAUMA SA ORAS NG SAKUNA?

PAANO NILALABANAN NG EMERGENCY MEDICINE ANG TRAUMA SA ORAS NG SAKUNA?

1
0

SA pang-araw-araw na buhay, walang sinuman ang nakakaalam kung kailan darating ang
sakuna. Isang biglaang aksidente sa kalsada, pagkahulog mula sa mataas na lugar, matinding
pagkakabangga, o malubhang pagkasunog, mga insidenteng sa isang iglap ay maaaring
magbago o maglagay sa panganib sa buhay ng isang tao. Sa mga ganitong kritikal na sandali,
ang bawat segundo ay may katumbas na buhay.

Upang bigyang-linaw ang tamang proseso ng pagtugon sa mga medikal na emergency,
nakapanayam natin si Dr. Thea Corpuz, isang dalubhasa sa Emergency Medicine mula sa Prime
Hospital and Medical Center sa Pasig City.

Ano nga ba ang Trauma sa Emergency Medicine?

Ayon kay Dr. Corpuz, sa larangan ng Emergency Medicine, ang "trauma" ay tumutukoy sa
anumang malubha at biglaang pisikal na pinsala sa katawan na dulot ng panlabas na pwersa o
aksidente. Magkakaiba ang antas nito, ngunit ang mga itinuturing na major trauma, tulad ng
matinding pinsala sa ulo, pagdurugo sa loob ng katawan (internal bleeding), at bali sa gulugod
(spinal injury) ay nangangailangan ng agarang interbensyon ng mga eksperto.

Binigyang-diin ng doktor na hindi lahat ng pinsala ay nakikita sa panlabas na anyo. "May mga
pasyenteng dinala sa Emergency Room (ER) na tila maayos at walang malaking sugat sa balat,
ngunit mayroon na palang palatandaan ng internal bleeding o damage sa mga vital organs,"
paliwanag ni Dr. Corpuz.

Ang Unang Hakbang sa Emergency Room: Ang "Golden Hour"
Kapag ang isang biktima ng aksidente ay idinadating sa Emergency Department, agad na
isinasagawa ng medical team ang tinatawag na Primary Survey o ang ABCDE Approach:

 Airway: Pagtiyak na nakakahinga nang maayos ang pasyente at walang humaharang sa
kanyang daanan ng hangin.

 Breathing: Pag-check sa baga at sapat na pagpasok ng oksiheno.

 Circulation: Pagkontrol sa matinding pagdurugo at pagtiyak na may sapat na presyon ng
dugo upang maiwasan ang hypovolemic shock.

 Disability: Mabilis na pagsusuri sa lebel ng kamalayan at neurological status ng
pasyente.

 Exposure/Environmental Control: Pagsusuri sa buong katawan habang pinapanatili ang
tamang temperatura nito.

Ang mabilis na pagsusuring ito sa loob ng tinatawag na "Golden Hour" ang unang dapat gawin
matapos ang aksidente, ang madalas na nagtatakda kung mabubuhay ang isang pasyente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here