MANILA, Philippines – Iniimbestigahan pa ng pulisya ang pinagmulan ng bomb threat na ipinakalat sa pamamagitan ng messaging app dahilan para suspendihin ang pasok sa Saint Michael College sa Iligan City noong Huwebes.
Ayon kay Police Maj. Zandrex Panolong, spokesman ng Iligan City Police Office, inaalam na nila ang may-ari ng account na nagpadala ng bomb threat sa paaralan.
Tinutukoy din nila kung ang account owner ang mismong nagpadala ng mensahe o kung nakompromiso ang account nito.
“Investigations are still ongoing,” ayon kay Panolong.
Sa kabila ng banta, kinumpirma ni Panolong na walang natagpuang pampasabog sa paaralan. RNT/JGC