MANILA, Philippines – Umabot na sa 45,000 ang crowd estimate sa tuloy-tuloy na pagdagsa ng mga tao para sa Transparency for a Better Democracy na inorganisa ng Iglesia ni Cristo sa Luneta Park.
Bantay sarado naman ng mga awtoridad ang buong paligid ng Luneta para bantayan ang seguridad at kaayusan ng kaganapan.
May mga medical team din na nakalatag para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Inaasahang magsisimula ang programa bandang alas-4 ng hapon.
Napag-alaman din na hindi lamang INC ang nagsagawa ng peace rally kundi pati na rin ang Jesus is Lord (JIL) at Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Mahigpit ang seguridad ng INC sa paligid ng Quirino Grandstand at maging ang mga media ay hindi basta-basta nakakapasok sa media center ng walang issued ID mula sa mga organizers. Jocelyn Tabangcura-Domenden