Home NATIONWIDE Paaralan sa QC binulabog ng bomb threat

Paaralan sa QC binulabog ng bomb threat

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang pasok sa Batasan High School sa Quezon City matapos itong makatanggap ng bomb threat.

Sa ulat, mayroon umanong post kung saan inilagay ang 15 bomba ang itinanim sa campus.

Ang mga bomba ay maaaring sumabog umano bandang alas-2 ng hapon.

Sa kabila nito, sa pagsasagawa ng inspeksyon ng Quezon City Police District bomb squad ay wala namang nakitang pampasabog sa paaralan.

Nagpatupad na lamang sa asynchronous classes para sa panghapong klase. RNT/JGC