Home OPINION PABOBO NANG PABOBO HABANG TUMATAGAL (3)

PABOBO NANG PABOBO HABANG TUMATAGAL (3)

153
0

IPAGPATULOY natin, mga Bro, ang pagtalakay sa ilang usapin kung bakit pabobo nang pabobo at kakarampot ang nakatatapos ng kolehiyong may 4 taong kurso.

Para maintindihan natin ang mga problemang ito, muli nating talakayin ang ilang dahilan na hindi natin nabanggit sa nakaraan at ilang nabanggit na rin natin.

KULANG NA KULANG

Batay sa pag-aaral ng Second Congressional Commission on Education o Edcom 2, may 160,000 kakulangan ng klasrum.

Kulang na nga, nasa 30% lang ang maituturing na maayos at kasiya-siya para sa pag-aaral ng mga bata, lalo na sa mga pablik iskul.

Kaya naman, may morning, afternoon at night shift at sa rami ng mga bata, sa roll call pa lang, nauubos na ang oras sa pagtuturo.

Maiinit at walang bentilador ang mga kwarto.

Siksikan din dahil kulang nga ang kwarto at kulang din ang mga libro, upuan, lamesa, gadget, internet, gamit sa laboratoryo at iba pa.

Kulang din ang oras ng pag-aaral lalo na sa tag-ulan na maraming nasisirang paaralan sanhi ng mga bagyo at baha at hindi pinapapasok ang mga bata sa sobrang init sa tag-araw.

Kulang na kulang din ang mga titser na magtuturo kumpara sa rami ng mga bata habang bugbog-sarado rin sila sa mga administratibong gawain.

Kulang na kulang din ang badyet ng mga medyo may ginhawang magulang kaya sa inililipat nila ang kanilang mga anak mula sa mga pribadong iskul sa mga pablik iskul at nagbubunga ito ng lalong pagsisiksikan.

Sa mismong sistema, nauugat ang kalakhan sa kakulangan sa labis na kakulangan sa badyet na inilalaan ng pamahalaan sa edukasyon.

Hanggang sa 2026, inuunang pondohan ang pambayad sa utang con korapsyo ng gobyerno kaysa edukasyon.

MAHIRAP NA, PINAHIHIRAPAN PA

Heto pa ang malaking dahilan ng pagkabobo ng mga bata at pagliit ng bilang ng nakatatapos sa kolehiyo.

Alam ba ninyong usong-uso ang field trip at sa mga nasa probinsya, P1,800 ang hinihinging badyet para sa bawat bata para sa bus, tiket o bayarin sa mga pinupuntahan nila?

Todo-reklamo ang mga magulang na may 2-3 anak na sabay na nag-aaral na may field trip.

Iba pang P1,800 ding bayarin ng magulang at mga pambili ng pagkain o baon.

Pagkatapos, naririnig nilang may komisyon ang mga titser na may kontak sa mga bus company na sasakyan nila.

Napakarami rin umano ang school projects na pinagkakagastusan mula sa kinder, elementarya at high school, kasama ang mga kontribusyon sa feeding, bentilador, brigada eskwela, assignment na may gastos at marami pang iba.

Pwera pa ang gastos sa transportasyon sa mga malalayo sa iskul na mga bata.

Dahil sa laki ng gastos, napakalaki umano ang kakulangan nila para mapakain nang may sustansya ang mga bata para sana maging matalino ang mga ito.

At pagdating sa kolehiyo, nauubusan na ang mga magulang ng pondo makaraang makipagbuno sa 7 taong kinder at elementarya at 6 taong high school at senior high school.

Kitam?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here