Home OPINION IMPEACH VS PBBM SARSUWELA LANG?

IMPEACH VS PBBM SARSUWELA LANG?

165
0

KAHAPON, inihayag ni Senator Imee Marcos ang tiyak na kahihinatnan ng kasong impeachment na isinampa laban sa kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.

Aniya, para sa isang taon ang nasabing kaso.

Kilala umano ang nagsampa ng kaso at kinuwestiyon ni Manang Imee ang motibo nito.

Sa kabuuan, mga brad, lumalabas na sarsuela lang ang impeachment.

Maaaring sundin ng Kamara ang lahat ng rekisitos ng pagsasampa ng impeachment, gaya ng pagsunod ng panahon na makarating sa opisina ni Speaker Bodjie Dy hanggang sa pagpapasyahan ito ng kinauukulang komite ng Kamara at pagbibigay sa Pangulo ng pagkakataon na sumagot para sa due process.

Posibleng iiwasan ng mga kongresman ang mga kapalpakan nila sa impeachment nila laban kay Vice President Sara Duterte gaya ng one-year bar rule at kawalan ng due process na dahilan ng pagbasura ng Supreme Court sa kaso.

Sa kabuuan, titiradurin lang ang impeachment para wala nang impeachment pang magaganap muli laban kay PBBM sa loob ng isang taon?

Popular na isyu ang mga idinahilan, kabilang na ang pagiging adik ni PBBM, pagpirma sa General Appropriations Act para sa taong 2023 hanggang 2025 na alam niyang may mga korapsyon sa mga badyet at proyekto, iligal na pagtanggal ng badyet ng PhilHealth at iba pa.

Ngunit sinadyang gawin ang pagkakaso para lang maibasura at wala na muling maihahaing pang muling impeachment sa loob ng isang taon dahil tiyak namang ibabasura lang ito ng mga kongresman?

Maaaring matulad na rin sa ganitong eksena ang balak ng Makabayan bloc at mga kaalyado nila na nagbabalak ding magsampa ng hiwalay na kaso?

Kung iisipin, seryosong usapin ang impeachment dahil sagot ito sa pambababoy ng mga impeachable official sa taumbayan na kanilang ikinamamatay sa baha, sakit at iba pa.

Kung totoong nilalaro lang ang impeachment, dapat na panagutin mismo ang mga gumagawa ng pambababoy sa impeachment.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here