Home ENTERTAINMENT Pacman, ‘doctor’ na, ginawaran ng PNU!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Pacman, ‘doctor’ na, ginawaran ng PNU!September 26, 2026 17:1710 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – May academic milestone na nakamit si Manny Pacquiao.Ginawaran ng Philippine Normal University (PNU) ang Pambansang Kamao ng Doctor in Physical Education and Sports, Honoris Causa.Ito’y bilang pagkilala sa kanyang mga kontribusyon sa Philipine sports at ibinigay na inspirasyon sa maraming Plipino.Naganap ang seremonya nitong nakaraan bilang bahagi ng 125th anibersaryo ng PNU.Dahil nag-uulan, inilipat ang seremonya mula sa university quadrangle sa Geronima T. Pecson Main Auditorium.Ayon sa pamantasan, ito ang kauna-unahang honorary doctorate sa Physical Education and Sports na ipinagkaloob nito.Hindi lang sa larangan ng boxing pinarangalan si Manny kundi sa mas malawak niyang kuwento sa palakasan at sa buhay ng mga Pinoy.Ani PNU, his contribution is bigger than his victories–where his legacy lies in what his journey has come to represent.‘Yun ay ang katotohanang “excellence can emerge from humble beginnings.”Patunay din daw ito na ang sports ay isang “powerful tool for personal transformation, social mobility and national pride.”Pinatunayan din daw ni Manny na ang sports ay maaaring gamitin para magkaroon ng malaking pagbabago sa buhay.Ani Manny, patuloy daw niyang gagamitin ang kanyang karanasan para maglingkod at magsilbing inspirasyon.Congrats, Pacman. Ronnie Carrasco III