Home ENTERTAINMENT Seth, rumesbak sa pagkukumpara kay Daniel!

Seth, rumesbak sa pagkukumpara kay Daniel!

1
0

Manila, Philippines – Sa isang panayam, pumiyok si Seth Fedelin kaugnay ng pagkukumpara sa kanya kay Daniel Padilla.

Madalas kasi, napagbibintangan siya ng mga nagmamahadera na trying hard na ginagaya ang aktor.

Anila, hindi lang daw ito sa boses at mannerisms kundi maging sa pananamit.

Kasama na rito minsan dito ang pagsusuot ng shades.

“Ewan ko po ha, sa lahat ng nagsasalamin, ako ang sinasabihan na ‘bakit nagsasalamin si Seth?’

“Sa lahat ng ganyan magbihis, ako lang ba ang nagsasalamin?” lahad niya.

Nagtataka raw siya kung bakit big deal sa iba ang pagsusuot niya ng sunglasses.

“Meron din naman ibang nagsasalamin? Sa akin mas nakikita. I don’t know?”ani Seth.

Itinanggi rin niya na sadyang ginagaya niya si DJ.

“Hindi ko po siya ginagamit para sa sarili ko. At saka sobra na rin po akong naapektuhan to the point na nai-stress ako,” paliwanag niya.

Nagbigay pa siya ng inisidente kung saan sobra raw siyang nailang nang mapagkamalan siyang si Daniel habang kasama ang love team partner niyang si Francine Diaz.

“Minsan naglalakad ako, naglalakad kami ni Francine, ang tawag sa akin, ang pangalan ni Kuya DJ. Ganu’n, natatawa na lang kami,” bulalas niya.

“May mga taong hindi ako kilala, ‘yun ang tawag sa akin. Bawal po ba akong magganito ng buhok, hindi na ba ako pwedeng magganito ng salamin,” pahabol niya.

Nag-react din siya sa mga kumukuwestiyon sa pagkakapareho ng boses nila ni DJ.

“Ganito ba dapat ang boses ko para maging ganu’n ako. At hindi lang po ako, nakakabasa rin ako sa kapwa ko artista na, porke’t nag-shades din, kinokomentan na nila na kamukha na nu’n. ‘Yun na agad,” hirit niya.

“At saka kung ano po ang nakamit nila, ni Kuya DJ, kung anong success nila, in terms of trabaho, pelikula, gusto ko rin pong mapuntahan. Pangarap din po namin ‘yun,” pahabol niya.

Sey pa niya, bagama’t hinangaan daw niya ang narating ni DJ, hindi raw naman niya kinokopya ito.

“Pero siguro ‘yung gawin ko siyang salamin, manalamin ako at siya ang nakikita ko sa salamin, hindi po. May respeto po ako sa kapwa ko artista,” esplika niya.

Dagdag pa ni Seth, gusto raw niyang makilala sa sariling identity at hindi sa anino ni Daniel.

“Gusto ko rin pong ipakita kung sino ako, ano ako, ano ang kaya ko,” pagtatapos niya. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here