Home NATIONWIDE Pacman gustong makipagbabakan sa Paris Olympics

Pacman gustong makipagbabakan sa Paris Olympics

MANILA, Philippines – Ninanais muli ng boxing icon na si Manny “Pacman” Pacquiao na makalaban pero ngayon ay target niya makasungkit ng Olympic medal sa Paris sa susunod na taon.

Nakipag-ugnayan na ang eighth-division world champion sa Philippine Olympic Committee (POC) kung paano siya makakapag-qualify sa Paris Games.

“Senator Pacquiao’s camp reached out saying our Filipino ring idol wants to fight in Paris,” ani POC President Abraham “Bambol” Tolentino sa isang pahayag. “But the senator can no longer vie for qualification in the Asian Games in Hangzhou next month.”

Ang Asian Games ay isang Olympic qualifier na may limitasyon sa edad na 40 para sa mga atleta sa lahat ng sports. Ang dating senador ay 44 na ngayon.

Gayunpaman, sinabi ni Tolentino na may dalawa pang Olympic qualifying tournaments sa una at ikalawang quarter ng 2024 para mag-book si Pacquiao sa Paris.

Ang Filipino boxing legend ay maaari ring mabigyan ng puwesto sa ilalim ng Universality rule, na ibibigay ng International Olympic Committee, ngunit mayroon lamang siyam na slots sa ilalim ng Universality sa Paris Games – lima para sa babae at apat para sa lalaki.

Sinabi ni Tolentino na tatanggapin ng Association of Boxing Alliances in the Philippines si Pacquiao sa national team at tutulong sa kanyang qualification. RNT