Sinabi ni Manny Pacquiao noong MiyerkUles na ang kanyang mahabang pamamahinga sa boxing ay muling nagpasiklab sa kanyang hilig sa sport habang siya ay naghahanda para sa world welterweight title comeback sa susunod na buwan laban kay Mario Barrios.
Haharapin ng 46-anyos na Filipino boxing icon si World Boxing Council (WBC) champion Barrios sa Las Vegas sa Hulyo 19, apat na taon matapos ang kanyang huling laban na mauwi sa pagkatalo.
Si Pacquiao ay muling nakipagkita sa matagal nang beteranong trainer na si Freddie Roach para sa title tilt sa susunod na buwan, at nakausap ang mga mamamahayag kahapon habang siya ay nag-eehersisyo sa Hall of Famer’s Wild Card gym sa Hollywood.
“Four years rest has been good for me,” sabi ni Pacquiao matapos ipakita ang kahanga-hangang bilis ng kamay sa isang open pads session.
“I’ve been in so many decades, so it’s good for my body to rest for four years.
“Now I’m back, I’m hungry to fight again. I’m hungry to fight in a big fight like this. To work hard, have discipline, everything like that.”
“Na-miss ko ang boksing. Pakiramdam ko, ang hilig, ang apoy sa aking mga mata, ang pagsusumikap — nandoon pa rin.”
Iginiit ni Pacquiao na ‘may lakas pa rin siya’ bago ang pagbabalik sa boksing.JC