Home SPORTS Pacquiao sasabak sa exhibition match vs Japanese champ

Pacquiao sasabak sa exhibition match vs Japanese champ

Nakatakdang sumampang muli sa ring si  Manny Pacquiao laban kay laban kay Rizin featherweight champion Chihiro Suzuki sa Hulyo 28 sa Saitama Super Arena sa Japan.

Ginawa ng 45-anyos na si Pacquiao ang anunsyo kaninang araw sa Rizin.

“Finally next month lalaban na ako sa Japan,” ani Pacquiao.

“I hope everybody is going to watch the fight. To all the fans, please come and watch on July 28. It is going to be a good fight [with] a lot of action.”

Si Pacquiao, 62-8-2 na may 39 knockouts bilang isang boksingero, ay nagretiro mula sa propesyonal na boksing pagkatapos niyang matalo kay Yordenis Ugas noong 2021.

Matapos huminto sa boksing, lumaban si Pacquiao sa isang eksibisyon laban kay DK Yoo noong Disyembre 2022 kung saan nanalo siya sa pamamagitan ng unanimous decision.

“Ipapaalam ko sa kanya (Suzuki) na mas mahirap ang boxing kaysa [isang] MMA fight,” wika ni Pacquiao.JC