MANILA, Philippines- Bumigay ang pader kung saan nasapul ang ilang sasakyan sa isang subdivision dahil sa malakas na pag-ulan sa Muntinlupa noong Aug. 25.
Nagdulot din ang malakas na pag-ulan ng pagbaha sa Muntinlupa portion malapit sa Susana Heights toll gate ng South Luzon Expressway (SLEX), na nagresulta sa mabigat na daloy ng trapiko sa southbound lane.
Base sa Muntinlupa Operations Center, gumuho ang pader at bumagsak sa tatlong nakaparadang sasakyan sa loob ng Treelane Subdivision sa Barangay Putatan. Walang nasaktan sa insidente.
Rumesponde naman ang rescue team sa insidente. RNT/SA