Home ENTERTAINMENT Pag-absent ni Maine sa EB, iniintriga!

Pag-absent ni Maine sa EB, iniintriga!

338
0

Manila, Philippines – Ginagawan ng intriga ng mga nagmamahadera ang pagiging ‘no show’ ni Maine Mendoza sa kanilang noontime variety show na Eat Bulaga.

May mga nang-uurot namang iniiwasan umano ng TV host-actress ang co-host na si Bossing Vic Sotto at iba pang kasamahan.

May mga nagsasabi pa na kaya iwas-pusoy ito ay takot na mapagtripan ng master comedian na si Joey de Leon.

Noong nakaraang araw kasi ay nagbiro si Joey tungkol sa flood control projects kung saan tahimik lang at hindi makapag-react si Maine.

Ito ay kahit sinasabing hindi live ang kanilang show.

Ito ang ilan sa mga komento ng kibitzers sa pag-absent ni Maine sa show.

“Parang maga ang eyes niya kahapon.”

“Napansin ko rin iyan noong opening.”

“Bakit kaya siya absent?”

“May iniiwasan ba siya?”

“Na-hurt siguro sa joke ni Joey.”

“Di yan tatantanan ni Joey.”

“Ang saya niyan. Anak ni Vic si Vico, si Maine asawa ni Arjo, tapos si Tito Sen. Orayt.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here