Home OPINION PAG-ACCESS sa member portal ng PHILHEALTh, NASA  EGOVPH  SUPER APP

PAG-ACCESS sa member portal ng PHILHEALTh, NASA  EGOVPH  SUPER APP

 Ipinabatid kamakailan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bahagi na ng eGovPH Super App ang sarili nitong Member Portal. Ito ay upang lalong mapadali ang access sa mga PhilHealth information ng mga miyembro alinsunod na rin sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na padaliin ang mga transaksyon sa gobyerno sa pamamagitan ng digitalization.
Ang eGovPH Super App ay isang one-stop-shop platform kung saan mabilis nang makapagtatransaksyon ang publiko sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng PhilHealth, SSS, GSIS, PAG-IBIG, at mga lokal na pamahalaan.
“Ang digitalization ay isa sa ating mga prayoridad bilang tugon sa pagnanais nating mas mapabuti ang serbisyo ng PhilHealth sa mga miyembro” pahayag ni PhilHealth President at CEO Emmanuel R. Ledesma Jr.
Para ma-access ang impormasyon tungkol sa inyong PhilHealth sa eGovPH App, i-download ang eGovPH App sa Google Play Store o Apple App store, mag-sign up gamit ang personal na detalye tulad ng pangalan, petsa ng kapanganakan, address, contact number, at email address. Magpapadala ng One Time Password o (OTP) sa contact number na inilagay para sa beripikasyon. Panghuli ang verification ng account.
Madaling gamitin ang eGovPH Super App dahil sa user-­friendly interface at automated button nito na nag-uugnay sa mga government site gaya ng PhilHealth kung saan maaaring ma-access ng miyembro ang kanyang membership record, contribution history at registration sa Konsulta Package Provider.
Aabangan din ang iba pang mga serbisyo ng PhilHealth na nakatakdang isama sa eGovPH Super App tulad ng online re­gistration at amendment, registration sa Konsulta Package Provider at paggamit ng QR code para mapadali ang beripikasyon.
Kung nais ninyong malaman tungkol sa mga karagdagang benepisyong inaprubahan ng PhilHealth, makinig o manood sa programang “Health & Travel @ Serbisyo Publiko” tuwing Huwebes (8:30 hanggang 9:30 ng umaga) sa DWBL 1242 kHz, Am band o kaya sa YouTube channel “Hilda Ong Agarang Serbisyo Lady”. Huwag kayong mag-atubiling magpadala ng mensahe sa ating mga social media account at asahan po na ipararating namin ito sa PHILHEALTH.
Ito ay bahagi ng ating pagbibigay ng serbisyo publiko at sa hangarin ng PHILHEALTH na kayo ay mapaglingkuran.