Home NATIONWIDE Pag-activate ng surge capacity plan, ipinag-utos ng DOH sa mataas na kaso...

Pag-activate ng surge capacity plan, ipinag-utos ng DOH sa mataas na kaso ng leptospirosis

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Department of Health ang pag-activate ng surge capacity plan sa mga ospital na nasa ilalim ng pangangasiwa nito sa National Capital Region (NCR) dahil sa dumaraming kaso ng leptospirosis.

Sa ulat, mayroon nang 1,444 na kaso ng leptospirosis sa bansa noong Hulyo 27.

Sa San Lazaro Hospital, ang kanilang mga air conditioned private rooms ay Itinalaga na sa isang leptospirosis ward at ginawang ER extension ang mga higaan sa kanilang compound hospital para sa mga hinihinalang kaso.

Gayunman, sinabi ni San Lazaro Hospital Chief Medical Professional Staff Dr. David Suploci na ang problema sa ngayon ay kulang sa doktor.

Samantala, nagbukas na ng bagong ward para sa mga pasyente ng leptospirosis ang National Kidney and Transplant Institute.

Nagboluntaryo rin ang mga nars mula sa Bicol Medical Center at Philippine Orthopedic Center na tumulong sa mga pasyente.

Bumaba na ang bilang ng mga na-admit na pasyente dahil sa leptospirosis, ngunit sinabi ng NKTI na hindi pa oras para magpahinga. Jocelyn Tabangcura-Domenden