Home NATIONWIDE Pag-alis ni Matabato ng Pinas tatalupan ng BI

Pag-alis ni Matabato ng Pinas tatalupan ng BI

IPINAHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na magsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil sa mga kumakalat na isyu na nakaalis na ng bansa ang umaming hitman na si Edgar Matobato.

Ayon sa tagapagsalita ng BI na si Dana Sandoval, magsasagawa umano sila ng pagsisiyasat sa impormasyong nakasaad sa The New York Times sa umano’y pag-alis sa bansa ni Matobato.

Noong Martes, sinabi ng MalacaƱang na wala itong impormasyon sa kinaroroonan ni Matobato, o anumang kontrol sa kanyang mga aksyon, kabilang ang kung maaari siyang tumestigo sa ibang forum.

Si Matobato, na umaming miyembro ng vigilante Davao Death Squad, ay nagpahayag na siya ay nagsagawa ng maraming pagpatay sa utos ng noo’y Davao City Mayor Rodrigo Duterte. JR Reyes