Home NATIONWIDE Pag-anunsyo ng RORE missions sa WPS kailangan munang aprubahan ng Pangulo –...

Pag-anunsyo ng RORE missions sa WPS kailangan munang aprubahan ng Pangulo – PCG exec

MANILA, Philippines- Kailangan muna umanong aprubahan ng Pangulo ng Pilipinas ang pag-anunsyo sa publiko ng pagsasagawa ng regular rotation at resupply (RORE) missions sa military outpost sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS), sinabi ni Commodore Jay Tarriela, Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the WPS, nitong Sabado, kung saan inatasan siya na linawinn ang rekomendasyon sa Pangulo ng National Maritime Council na nagpulong sa ikalawang pagkakataon sa Malakanyang noong Biyernes.

Pinamunuan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang National Maritime Council na binuo ng Pangulo noong Marso upang palakasin ang maritime security ng bansa sa gitna ng tumitinding tensyon sa WPS.

Samantala, ang mga tagubilin ni Tarriela ay nagmula kay National Security Adviser Eduardo Año, sa kanyang kapasidad bilang chairman ng National Task Force on the WPS.

“The policy recommendation that was mentioned by the Executive Secretary, being the chair of the National Maritime Council, is that we will be announcing the routine resupply operations, is subject to the approval of our President,” sabi ni Tarriela sa isang forum nitong Sabado.

Isinagawa ang pulong ng konseho matapos utusan ng Pangulo ang mga kaukulang Cabinet secretaries na talakayin sa kanya ang insidente noong Hunyo 17 sa Ayungin Shoal, na ikinasugat ng pitong Navy servicemen.

Sa nasabing forum, sinabi ni Tarriela na magtutulungan ang AFP at PCG para sa pagsasagawa ng resupply mission sa hinaharap. Jocelyn Tabangcura-Domenden