Antipolo – Inaresto ng mga awtoridad si Aira Jane Barredo ng Lopezville Subdivision, Antipolo City, matapos ilabas ng Nueva Ecija Regional Trial Court (RTC) 34 ang warrant of arrest kaugnay ng kasong Cyber Libel sa ilalim ng RA 10175 o Anti-Cybercrime Prevention Act of 2012.
Ang warrant ay inilabas noong Pebrero 12, 2025, na sumasaklaw sa Criminal Case Nos. 29583-25 hanggang 29584-25.
Si Barredo ay sumasailalim sa pagdinig sa RTC 47 para sa kasong unjust vexation na isinampa nina Ryan Armenta at Katherine Melendez.
Nauna na rin siyang inakusahan ng cyber libel at iba pang kaso noong 2023 nina Armenta, Melendez, at Inah Patricia Simon sa Pampanga at Caloocan.
Ang kasong ito ay nagsisilbing babala sa publiko hinggil sa mga legal na epekto ng hindi responsableng komunikasyon sa digital platforms.
Ang pagpapakalat ng maling impormasyon na nakasisira sa reputasyon ay hindi lamang imoral kundi may kaakibat ding kaparusahan sa ilalim ng batas. RNT