MANILA, Philippines- Nagsimula nang imbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pag-atake laban sa election candidates at opisyal sa buong bansa na nangyari bago at matapos ang paghahain ng certificates of candidacy (COC).
Kinondena ang pag-atake, sinabi ng CHR na nag-deploy na ito ng ‘quick response operation’ para imbestigahan at suriin kung ang pag-atake ay ‘politically motivated.’
“The Commission vehemently condemns these incidents which undermine the integrity of local governments, the effectiveness of public service, and every Filipino’s right to a safe environment — especially as the election season approaches,” ang sinabi ng Komisyon.
“We must be reminded that violence affecting both electoral candidates and community peacekeepers also endangers the safety and well-being of every Filipino voter,” dagdag na pahayag ng CHR. Sa ulat, may isang insidenteng may kaugnayan sa isang nagngangalang Francisco Bagay, isang barangay chairperson sa San Nicolas, Ilocos Norte na binaril ng mga hindi nakilalang kalalakihan sa sarili nitong garahe noong September 20.
Mayroon pa ring isang insidente na may kinalaman naman kay Agutaya municipal election officer Emmanuel Gacott at sa asawa nito na natagpuang patay sa kanilang tahanan sa Palawan noong September 25.
Isa pang pag-atake na kumitil sa buhay nina Bello Joseph Padue Valorozo, isang barangay kagawad, at kanyang anak noong September 23 sa San Juan, Ilocos Sur. Ang dalawa ay pinagbabaril hanggang sa mamamatay ng suspek na sakay ng motorsiklo.
Noong October 8, sinabi ng CHR na isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team ang namatay habang anim na iba pa ang sugatan sa isang insidente sa pagitan ng sinasabing umano’y vice mayoral candidate sa Maguindanao del Sur.
Ayon sa CHR, si Toto Gogo Kensa, isa pang barangay kagawad na makikipaglaban para sa isang upuan, ay pinagbabaril hanggang sa mamamatay sa Maguindanao del Sur noong October 19.
Ang paghahain ng COCs ay idinaos mula October 1 hanggang October 8. Ang midterm elections ay idaraos naman sa May 12, 2025.
“The Commission emphasizes that every Filipino is guaranteed their right to vote as a foundational pillar to their participation in the process of genuine democratic governance which represents the will of the masses,” ang sinabi ng Komisyon.
“In order to uphold the sanctity of our ballots, we must first recognize the quality of democracy that we all hold the obligation to preserve — one that is free from violence and should be characterized by fairness, transparency, and impartiality,” ang sinabi pa rin ng CHR. Kris Jose