MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Energy Regulatory Commission (ERC) na pag-aralang mabuti ang posibleng implementasyon ng ‘temporary relief’ sa electricity bill payments sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity.
Sa isang kalatas, ipinag-utos ni Pangulong President sa ERC na pag-aralan ang pagpapataw ng moratorium sa electricity line disconnections at payment collections mula October hanggang December 2024. Ang inisyatiba ng ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na tulungan ang mga biktima.
“To aid in recovery efforts, the President directed the ERC to study the immediate implementation of a moratorium on electricity line disconnection and payment collection for the period October to December 2024 in areas under State of Calamity due to STS Kristine, and staggered payments of electricity for the said months, as necessary,” ang nakasaad sa kalatas.
Noong nakaraang linggo, may dalang malakas na pag-ulan at malakas na ihip ng hangin ang bagyong Kristine sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lumubog ang ilang lugar sa tubig-baha.
Sa mga apektadong rehiyon, ang Bicol Region ang nagtamo ng matinding pinsala dahil sa bagyong Kristine. Kris Jose