Home METRO Aktor nadakip sa motel matapos takasan ang pinatay

Aktor nadakip sa motel matapos takasan ang pinatay

116
0

MANILA, Philippines- Nadakip sa isang motel sa Pasig City ang aktor na si John Wayne Sace makaraang barilin ang isang lalaki sa Bgy. Sagad, Pasig City nitong Lunes ng gabi.

Natunton ng pulisya ang kinaroroonan ni Sace sa mabilis na aksyon ng Pasig Elite Police at sa tulong ng ilang mamayan.

Nauna rito ay patay ang 43-anyos na lalaki nang umano’y pagbabarilin ng dating aktor na si John Wayne Sace sa Pasig City nitong Lunes.

Ayon sa ulat, sinabi ni Eastern Police District Officer-in-Charge Col. Villamor Tuliao, na pinagbabaril ni Sace, 37-anyos, ang biktimang hindi pinangalanan bandang alas-7:30 ng gabi habang nag-uusap sila sa bahagi ng Feliciano St., Barangay Sagad na naturang lungsod.

Hindi naman nabanggit ang motibo sa pamamaril ni Sace sa biktima.

Isa sa limang basyo ng bala na nakuha ng mga imbestigador sa crime scene ang naging sanhi ng kamatayan ng biktima.

Nakakulong na ngayon sa Pasig City Police Headquarters si Sace na dati nang umaming naging sugapa o nalulong sa bawal na gamot.

Naging bahagi si Sace sa iba’t ibang palabas sa telebisyon kabilang ang “Wansapanataym,” “May Bukas Pa,” “Guns and Roses,” at “Forevermore.”

Samantala, nagkaroon din ng pagkakataong kinilala din ang husay niya sa Metro Manila Film Festival 2002 sa pelikulang “Dekada ‘70.” Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here